Tuesday, March 8, 2011

DevQuen FF chapter 1

Chapter I

Seryosong nagrereview si Aubrey para sa exam nila bukas habang si Devon naman ay abalang nakatitig kay Quen na nasa pool area at nakatitig din ito sa kanya…"Bes! Behhhsss??!! Hoy! Devon Grace Lindy Balongbalo Tamayo! Huy!" buong pangalang tawag sa kanya ng kanya bes na nakapagbalik sa kanyang huwisyo. Naiinis kasi sya na tinatawag sya sa kanyang buong pangalan. Bakit naman kasi naisipan ng kanyang mga magulang na habaan ang kanyang pangalan? grrr…"Ano ba bes! nakakainis ka naman eh. Alam mo naman na ayaw ko tawagin ako sa buo kong pangalan."… "Eh kasi naman po kanina pa kita tinatawag eh hindi mo naman pinapansin. Pinagnanasaan mo nanam si Pierro nakakahiya ka talaga!"…"Eh ano naman nakakahiya sa ginagawa ko. Ikaw lang naman ang nakakakita ah" sagot nya na may halong pagbibiro…"Ah ganoon. Gusto mo puntahan ko si Pierro at sabihin ko sa kanya na kanina mo pa sya pinagnanasaan? ha?" pananakot ni Aubrey sabay tayo upang puntahan si Pierro…"At pinagnanasaan talaga ang term na ginamit? ha?" kinikiliti na ni Devon si Aubrey. Nakikiliti naman si Aubrey kaya hindi nito magawang lumapit kay Pierro. At hanggang sa nagkatawanan na lang silang mag best friend sabay balik sa pagrereview…Sa totoo lang hindi si Pierro ang kanina pa tinitigan ni Maribeth kundi si Quen ang nakakatandang kapatid ni Aubrey. 
Sa pool area naman…"Kumusta na kayo ni Trina pare" tanong ni Pierro…"Ayoko na, masyado syang selosa. Pati ba naman si Mrs. Martin. pinagseselosan nya" maktol ni Quen sa kaibigan…"Ano?! pati si Mrs. Martin? eh pare maganda si Mrs. Martin pero ang tanda tanda na nun. May topak yata yang girlfriend mo eh?"…"Pare naman girlfriend ko pa rin yun"…"Sorry pare hind na mauulit" paumanhin ni Pierro…"Kasalanan ko ba kung paborito ako ni Mrs. Martin? at tsaka hindi naman ako ang lumalapit sa mga babae sila ang kusang lumalapit sa akin" paliwanag ni Quen…"Pare paranoid lang yun kasi magthre-three months na kayo. Alam mo naman sa past relationships mo umaabot lang hanggang three months. Alam na ng buong campus ang tungkol sa three-months rule mo"…Natawa na lang si Quen habang titig na titig kay Devon na abalang nagrereview sa living area.
...
Three-months rule? actually wala naman talagang three-months rule. Ugali kasi nya na pag may nakita syang hindi maganda sa girlfriend eh hinihiwalayan na nya ito at tyempo naman pag magthre-three months na sila. Ilan na nga ba ang naging relationship nay na umabot lang hanggang three months?..Apat, yup apat na exes na…Pero ang mga past girlfriends nga ba nya ang may problema o sya? 
Masyadong mainit na sa labas kaya naisipan nila Quen at Pierro na pumasok na sa loob ng bahay. "Hi girls!" bati ni Pierro kay Aubrey at Devon…"Hi! hi!" utal utal na pagsagot ni Devon na iniwas kaagad ang tingin kay Pierro at binaling kaagad ang paningin sa pagbabasa. Sa totoo lang hindi si Pierro ang iniiwasan nya kundi si Quen nakatitig kasi ito sa kanya. Di sya makapagconcentrate. Si Pierro naman ay tumabi sa kanya…"Kailangan nyo ba ng tulong? alok ni Pierro sa kanila. Nanlisik naman ang mata ni Quen sa pagtabi ni Pierro sa babae…"Ay hindi na kaya na namin toh. Maabala ka pa. Salamat." pagtanggi ni Devon. "Sure?" tanong ni Quen kay Devon na may halong pangiinis. "Tiningnan nya si Quen at nagtama ang kanilang paningin. parehong blanko ang kanilang expression. binawi nya agad ang tingin dahil hindi na kaya ng puso nya parang sasabog ang kanya dibdib sa lakas ng tibok nito…"Yup sure" tango ni Devon sabay ngiti ky Pierro. "Okay." ganti ni Pierro sabay ngiti din. Samantalang si Quen naman ay hindi nagugustuhan ang ngitian ng dalawa…."Why the hell does she smile like that to him?" inis na tanong ni Quen sa sarili…Samantalang kanina pa walang imik si Aubrey dahil pansin nya ang pagtitig ng kuya nya ky Devon. Nahihiwagaan sya sa mga titig ng mga mata nito at sa expression ng mukha nito habang nakatingin ky Devon at Pierro. Hindi sya sigurado pero mukhang may idea na sya kung bakit. Lumiwanag ang kanyang mga mata na may pilyang ngiti sa labi sa napagtanto…"Excuse me kuha lang ako ng tubig" excuse ni Devon…"Ako na." sabay sabay alok nila Pierro at Quen. Nagkatinginan naman sila sabay ding baling ky Devon ng magsalita ito. "No. Ako na. Salamat." Nginitian nya si Pierro pero si Quen ay tinitigan nya lang at nagpatuloy na sya papuntang kusina. Nainis si Quen sa ginawa ni Devon kayat sinundan nya ito. Nagtaka man ay binaliwala na lang ni Pierro ang pagsunod ni Quen kay Devon at kinausap na lang si Aubrey.         
Sa kusina…"What was that?" inis na tanong ni Quen kay Devon na nagulat dahil sa biglang pagsulpot ni Quen sa likuran nya…"Ano ka ba? Bat ka ba nangugulat ng ganyan?" sabay harap sa lalaki habang hawak ang dibdib habol ang hininga…"And what was what?" tanong ni Devon…kumuha si Quen ng baso at nilagyan ito ng tubig.."Here and I'm sorry" paumanhin nya habang inaabot ang baso ng tubig ky Devon. Tinungga ni Devon ang baso ng tubig pagkatapos ay huminga ng malalim. Babalik na sana sya sa living area pero pinigilan sya ni Quen hawak ang kamay nya…"Please stay. Let's talk." hindi pa nakontento si Quen at bigla na lang nyang kinabig si Devon…"Please Quen there's nothing to talk about" pagpupumiglas ni Devon pero nahihina sya dhail sa pagdikit ng kanilang mga katawan. Yakap na sya ni Quen ng mahigpit sa beywang samantalang ang mga kamay naman nya ay kumakapit sa dibdib ni Quen dahil nanghihina na ang kanyang tuhod. Damang dama ni Devon ang init ng hininga ni Quen sa mukha nya. One inch lang kasi ang layo ng kanilang mga mukha sa isat-isa…"What about what happened between us? Are you just gonna pretend that it didn't happen? And don't tell me you didn't like it. It happened twice don't try to deny it. I know we both feel the same way."…Habang si Devon ay hindi na kaya ang naririnig at ang sensasyon na dumadaloy sa katawan nya ilang sandali na lang ay bibigay na sya pero alam nya ang tama kaya buong lakas na itinulak nya si Quen. Pagkatulak nya ay tumakbo sya papuntang cr…"Damn it!" sabay suntok ni  Quen sa island counter.