Chapter II
Pagkatapos ng araw na iyon parang wala lang ding nangyari. Ang akala ni Devon ay kukulitin na naman siya ni Quen para makausap sya. Gaya ng dati. Aaminin nya she was hoping to get a call from Quen about what happened yesterday pero ni text ay wala. She's dissapointed sa sarili nya dahil hindi nya mapigilan ang magpaapekto sa lalaking yun. Mali kasi…Lingid sa kaalaman ni Devon ay ang buong pagpipigil ni Quen sa sarili para hindi sya tawagan o itext man lang tungkol sa nangyari. Dati kasi noong una nya itong kulitin ay Isang buwan din syang iniwasan ng dalaga ni hindi ito nagpakita sa kanya. Hindi nya kayang maulit iyon. Mas gusto pa nya itong makita sa malayo kahit hindi sya kausapin nito.
…
After two weeks hindi pa rin sila nagkausap o nagkita pero na sa isip pa rin nila ang isat-isa…
…
Nasa Mall si Devon tumitingin ng damit para sa party mamaya. Birthday kasi ni Aubrey. Hindi nya inaasahan na makasalubong si Kyle ang kanyang ex boyfriend. Magaapat na buwan na silang hiwalay pero nananatili pa rin silang magkaibigan. "Devon?" tawag pansin ni Kyle sa kanya…"Kyle?…Hi what a coincidence?"…"Oo nga eh noh. Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Kyle…"Yeah bibili pa ako ng damit para sa party ni Aubrey mamaya. Are you going?"…"Yeah i got the invitation. Quen invited me. Seems pretty big that's why I have to buy a new suite."…"Oo nga eh. Alam mo naman." at nagkatawanan sila sa huli…Mayaman ang angkan nila Quen marami silang kaibigan na Politicians at High-So sa bansa. Malaki ang nasabing party kaya for sure imbitado din ang mga ito…"So may date ka na ba sa party?" tanong ni Kyle sa kanya…"Date? Wala no. Baka ikaw dyan" panunukso ni Devon…"Wala. Gusto mo tayo na lang. Friendly date lang naman."…Wala namang malisya kaya pumayag na rin si Devon. Tinulungan na sya ni Kyle pumili ng damit gaya ng nakagawian noong sila pa pero iba na ngayon magkaibigan na lang talaga sila. Ginaganap ang party sa isang five star hotel. Kinakabahan si Devon pumasok siguradong magwawala na naman ang kanyang puso kung nya makita si Quen. Buti na lang at kasama nya si Kyle. Somehow may kausap sya throughout the party. Iniiwasan nya kasing maulit ang nangyari noong isang linggo. Nakaupo na sila sa table ng mapansin ni Kyle na parang may hinahanap sya…"Sinong hinahanap mo?"…"Ha? ako? ah ah uhm si Aubrey kasi excited na akong makita sya."…"Aaahhh mamaya pa yun. Malamang special introduction sya."…"Oo nga noh." natawa na lang sya sa sarili. Kanina pa kasi hindi sya mapakali. Sino nga ba kasing hinahanap nya. Aaminin nya si Quen ang hinahanap nya. "No" saway sa sarili…Who is she kidding? She misses him…
…
Samantalang sa kabilang side ng venue ay may nilalang na nilalamon na ng selos. "Nagkabalikan na ba sila?" tanong nya sa sarili...Gusto nyang lapitan si Kyle at suntukin ito at ilayo si Devon sa kanya. Wala syang pakialam kung magalit man si Devon. Pinipigilan lang nya ang kanyang sarili alam nyang mali dahil party ng kanyang kapatid at isa pa wala syang karapatan….Samantalang kanina pa sya napapansin na nakatitig kay Devon at Kyle ni Trina…"So siya ba?" galit na tanong ni Trina…"Ha?" takang tanong ni Quen na nakatitig pa rin kay Devon. "So sya nga. Kailan pa?" medyo malakas na ang boses ni Trina kaya binalingan nya ito. "Anong kailan pa?" wala pa ring idea sa sinasabi ng nobya…"Comm'on honey huwag mo ng itanggi. Kaya pala palagi na lang may mali sa akin dahil kinukompara mo ako sa ibang babae. Si Devon ba? siya ba ha? Siya ba ang babae mo?" galit na mangiyakngiyak na tanong ni Trina sa kasintahan…"Trina pls. not now. Nasa party tayo." pinapakalma ang nobya…"Not now? Screw you!" sigaw ni Trina na nakaagaw pansin sa ilang bisita. Tumayo sya at tumakbo palabas ng venue habang umiiyak. Sinundan naman siya ng nobyo. "Trina! Wait!" habol ni Quen. "Its over Quen. Wala ng tayo!…Tama nga sila hanggang three months lang tayo…pero at least ako ang nakipagbreak" umiiyak pa rin ito at bago tuluyang tumalikod paalis ay may pahabol pa siya. "It's her right? that's why your relationships don't last long because it's not her that your with?" hindi nya hinintay na sagutin siya kasi obvious naman ang totoo. At tuluyan na nyang iniwan si Quen na sa hanggang ngayon ay tulala pa rin dahil sa sinabi ni Trina sa kanya. Alam nya pero sinusubukan nya ibaling ang pagmamahal sa ibang babae. Pero kahit ano ang gawin nya at kahit sino pang babae wala pa ring makakapalit sa pagmamahal niya kay Devon.